Alam nyo ba kung ano ang ibig sabihin ng IRAN? Ikaw Rin ang Nawalan.
Isa pa: PARANAQUE: Please Always Remain Adorable, Nice, And Quiet...Under Ectasy.
Ilan lang yan sa mga napulot kong acronym mula sa Showbiz Lengua, ang kalipulan ng mga kolum ni Sir Pete Lacaba tungkol sa lengguwahe para sa Yes! Magazine.
(imahe mula sa blog ni Sir Pete)
Minsan, nakaupo ako sa harap sa LitJourn seminar class niya at kumakain ako ng puttanesca. Sabi niya, "Alam mo ba ang puttanesca pagkain ng mga puta sa Italy? Kaya siya tinawag na puttanesca."
Mula nang nagsulat si Nick Joaquin bilang Quijano de Manila, kakaunti pa lang ang nagtangkang magsulat ng literary journalism sa Pilipinas. Isa na rito (na tinitingala ko) ay si Sir Pete.
Ang ilang sa mga natutunan ko sa klase niya: kailangan kapag nagsusulat ng literary journalism, ilublob mo ang iyong sarili sa paggawa ng kwento. Tanungin mo yung kausap mo kung anong iniisip niya. Tumambay ka kasama niya at makipaghuntahan ka. Pansinin mo ang lahat -- ang kanyang suot, ang lapis na umiikot-ikot sa pagitan ng kanyang mga daliri, ang stasyon ng radyo na pinakikinggan niya, pati ang mga taong dumadaan.
Dapat din, paghusayan mo ang iyong pagsusulat para kapag may sinulat kang magandang pangungusap, hindi ito magmumukhang out of place sa sinusulat mong reportage.
Kaya naman mahirap talaga magsulat ng literary journalism. At dahil kakarampot ang kita ng mga mamahayag at manunulat, kailangan nilang rumaket.
Sinabi sa amin minsan ni Sir Pete na akala niya part-time lang ang posisyon sa Yes! Magazine noong tinanggap niya ito. Pero mabuti na rin na nandoon siya dahil sa dulo ng mga glossy photos at writeups tungkol sa mga artista, may natatanging El Lenguador na naglalaro ng lengguwahe.
No comments:
Post a Comment