Wednesday, June 01, 2011

Kalahati at Umpisa

Masasabing maestra si Anoñuevo sa paglalaro ng salita. Sakop ng kanyang mga tula ang samu'tsaring emosyon - kaligayahan, kalungkutan, nostalgia, at higit sa lahat, pag-ibig.

Nahahati ang Kalahati at Umpisa sa dalawang bahagi -- ang una, tungkol sa mga karaniwang bagay, pagbabalik tanaw sa nakaraan, at mga obserbasyon sa kanyang buhay,

Sa pangalawang bahagi, umiibig na si Anoñuevo. Kaya naman punung-puno ang bahagi ito ng mga tula tungkol sa paghanga at sa muling pagtagpo ng pag-ibig sa gitna ng middle age.

Anupaman ang paksa ng kanyang isinusulat, naipapakita ni Anoñuevo ang kanyang husay at galing sa lenggwahe sa bawat tula.

No comments: