Sinabi nyo sa akin dati, wala kong problema sa lenguwahe, pero takot akong tumayo sa bingit.
SInabi naman ng prop ko sa creative writng, natural daw ako magsulat sa Ingles, na ganito raw talaga ako mag-isip. Pero ang kwento ng burgis na namulat sa gitna ng isang hacienda? She's heard it so many times before.
Nabasa ko ang sinulat ni Piya tungkol sa sinulat ni Milan Kundera, na kaya tayo natatakot kapag umakyat tayo sa mataas na lugar ay di dahil takot tayong mahulog, kundi takot tayo sa nais nating tumalon.
Ganito ako. Hayskul pa lang, mahilig na kong umupo sa taas ng mga ledge sa second floor at tumingin pababa. Hanggang sa rooftop ng Vinzons, iniisip ko pa rin ung anong pakiramdam kung tumalon ako.
Wala na kong trabaho, pero sa wakas, maisusulat ko na ang gusto kong isulat.
Handa na kong tumalon.