Naalala ko ang minsan sinabi ng isang heneral sa akin, habang kumakain
Everyone has a a weakness. Kailangan lang itong hanapin.
May isang kalaban daw silaang hindi matugis
Wala siyang asawa o iba pang pamilya
Hangga't may nakaalala
Na mahal na mahal ng rebelde ang kanyang ama
Na tatlong taon na ring nasa ilalim ng lupa
Pumunta ang mga sundalo sa sementeryo.
Winasak nila ang nitso
At nagtago sila sa paligid
Pagkaraan ng ilang araw
Dumating ang rebelde.
Ngumiti ang heneral pagkatapos niya magsalita
Pinilit kong maging bato ang aking mukha
Ngunit kung kutsilyo lang ang hawak ko
at hindi tinidor
Hindi ko alam kung mapipigil
ko pa ang aking sarili
Mula sa pagsaksak nito sa kanyang puso.
Hindi ba't labas sa paglaban ang mga sibilyan?
Pero mga pasista, mga mamatay-tao -
Hindi niyo ito nirerespeto.
May araw din kayo.
Sa oras ng tagumpay, dadanak ang dugo.