Hindi ako makapagsulat. Saan ako magsisimula? Paano ko sasabihin na si vj ang unang kaibigan ko sa kule? Minsan hindi natuloy ang genmit kasi konti lang ang dumating. Umupo siya sa tabi ko, at nagsimulang magkwento. At hindi na kami tumigil sa kwentuhan, ako, ang baguhan na walang alam, siya, na mahusay editor at makatang magsulat
Inamin siya sa kin minsan na kaya lang daw nila ako tinaggap kasi may potential ako magsulat. ganyan si vj, nakikita niya ang potential sa bawat tao. Kaibigan niya ang lahat, at pakiramdam namin, close kaming lahat sa kanya kasi wala siyang tinatago. Hindi siya namumuna. Sa mata niya, kahit na oily ang mukha mo at punung-puno ng pimples, lagi kang maganda.
Siya ang una kong nakwentuhan tugkol sa crush ko. Bawat lingo, may bago siyang sasabihin sa akin tungkol kay M. Pagkalipas ng ilang taon, ibang M naman ang pinagusapan namin, ang taong nagudyok sa kanyang humugot ng tala at gamitin itong pangkiskis sa kanyang puso.
Si vj na grand mameshka ng kultura, na sumasamba sa altar ng kulturang popular, na nagcacarstuffing kay Vanessa kahit na hindi pa siya marunong magdrive. Na kasama naming sumayaw sa saliw ng light my fire pagkatapos lumaklak ng alak, Na itinuring kong kuya, na laging hinahawakan ang aking siko tuwing tumatawid kami.
Kung may five stages sa grief cycle nasa pagitan na ako ng anger at sadness. Sabi ng kapatid ko, hindi ka ba nagbargain? Hindi, dahil kahit ano ang ipangako ko, hindi na siya babalik.
Wala nang kumakalong sa aking siko tuwing tumatawid ako.