Naalala ko si Caloy nang binasa ko ang tulang Dalitpuri ni Elynia Mabanglo. Nariyan ang paglalaro sa salita:
tayo na kung gayon
at pabinyagan sa dilim ang kamatayang
bumabaha sa ating silid
may panahon para sa mga dugong
dumadaloy sa lansangan
may panahon para sa kamay na umiilag
sa pagtatakipsilim ng mga bituin
may panahon para masambot
ang tula ng mga tala
Bago mag-ed exam noon, humiram si Caloy ng kalipulan ng mga tula ni Mabanglo para raw makatulong sa paggawa niya ng katsibong.
Kasama sa New Year's resolutions ko ngayong taon na muling magsulat sa Filipino. Muli akong nagsisimula sa payak na paraan. Nagsusulat ako kung paano ako magsalita.
Sinabi ni Elynia Mabanglo sa paunang salita na dumalang na ang pagsulat niya ng tula mula nang tumira siya sa Hawaii. Wala na raw kasi siyang kahuntahan tungkol sa panitikan kaya mas mahirap magsulat.
Samantalang ako, nasa Pilipinas pero nahihirapan ring magsulat sa Filipino. Kaya naman kailangan ko pang magbasa nang magbasa hanggang magsimula akong kumatha.
2 comments:
hi isa. :-)
ayos ang librong ito ni ma'am ruth.
parang "the best of" kung baga sa isang CD/MP3 album.
gusto kong makasulat na tulad ng estilo ni ma'am ruth.
Louise!
Bakit ngayon ko lang nasense itong comment mo? Hangang-hanga nga ako sa kanya.
Katulad mo, sana makapagsulat din ako ng Filipino sa estilo niya :)
Post a Comment